Linggo, Oktubre 30, 2016

Ang Kapwa

Mag-isip muna bago gumawa
Upang sila ay matuwa
Kung gagawa ng mabuti sa kapwa
Babalik sayo ng may tiwala

Magandang mabuti ka sa kanila
Upang maging maganda ang relasyon sa kanila
Ngunit ang pinagtataka ko
Pag-ang matanda ang nag away
Siguradong lagut na

Biktima ng labanan/kaguluhan

           Si Mang Canor ay isang mabait at matulungin na mamamayan.Isang araw ay nabalitaan niyang may sumugod sa kabila nilang baryo at nay nga sugatan at napatayan.Agad siyang nag impake ng pagkain at mga gamot upang maibigay sa mga biktima ng labanan.

1.Anong paraan ang ginawa ni Mang Canor upang makatulong sa biktima nang labanan?
 Nagbigay ng pagkain at gamot.
2.Tama ba ang ginawa ni Mang Canor?
Bakit?
 Oo,dahil tumulong siya ng walang kapalit.
3.Kung ikaw si Mang Canor,tutulungan mo rin ba ang mga sugatan?
Bakit?
 Oo,upang pag may mga nangangailangan sa inyong baryo ay tutulungan din nila kayo.

Pagtupad sa Pangako

1.Si Lily ay nanghiram ng libro kay Don.May kasunduan sila na magpapahiram din si Lily ng gamit kay Don.Nangako sil sa isa't isa,at yoon nga ang nangyari,pinahiram ni Lily si Don ng gamit na magagamit ni Don sa kanilang proyekto.
Sagot:Pagtupad

2.Si Boy ay mahilig maglaro ng basketball.Mayroong try out ng basketball at gusto niyang sumali doon.Kaya lang ang sabi ng kanyang magulang ay baka maapektuhan ang kaniyang pag-aaral.Kaya hindi muna siya sumali at nangako na pagbubutihin niya ang kanyang pag-aaral.Ngayon ay may maganda na siyang trabaho.
Sagot:Pagtupad

3.Si Drew ay isang lasinggero.Binawal siya ng kaniyang asawa at nangako naman siyang hindi na iinom ng alak.Isang gabi ay nangangamoy alak si Drew at hinuli siya ng pulis sa daan.
Sagot:Di-Pagtupad

4.Si Terry ay mahilig magbulakbol,lagi siyang gabi nang umuuwi.Isang gabi ay hatinggabi na umuwi si Terry,pinagalitan siya ng kaniyang nanay,at nangakong hindi na magbubulakbol.Pero lagi paring gabi nang umuuwi si Terry.
Sagot:Di-Pagtupad

5.Si Rick ay inaya ng kaniyang mga kaibigan na maglaro.Ngunit may ginagawa sila sa bahay,nangako siya na pagbalik niya galing sa laro ay gagawin na niya ang kanyang gawain.Pagbalik niya ginaw ang kaniyang ginagawa.
Sagot:Pagtupad

Ang Matalinong si Mang Bennie

         Si Mang Bennie ay may kakayahang magpagawa ng isang munting tindahan upang hindi na mahirapan ang kanyang mga kapitbahay dahil sa kabilang baryo pa ang pinakamalapit na tindahan.Kaya naisip niya na magtayo ng isang munting tindahan sa kanilang baryo.Tuwang-tuwa ang kaniyang mga kapitbahay ng ikiniwento niya ang kanyang plano.Nagawa rin ang sinabi ni Mang Bennie na magtatayo siya  ng tindahan.Kaya mula noon ay doon na bumibili ang kaniyang mga kapitbahay.

1.Sino ang pangunahing karakter sa kwento?
 Si Mang Bennie

2.Ano ang naisip ni Mang Bennie upang di na mahirapanang kaniyang mga kapitbahay?
Gumawa ng tindahan

3.Saan sila bumibili dati?
 Sa kabilang baryo

4.Ano ang naging reaksyon ng mga kanyang kapitbahay sa kanyang plano?
Sila ay tuwang-tuwa

5.Saan bumili ang kaniyang mga kapitbahay ngayon?
 Sa tindahan ni Mang Bennie